Thursday, May 27, 2010

Skins Series




Skins:
  1. A British drama on E4 every Thursday which follows a group of 17 year olds in sixth form college on a string of parties, drug scandles and affairs.
  2. (British slang) Rolling papers, esp. when rolling a joint.
Sixth Form:

The non-compulsory final two years of secondary school, in which students usually prepare for their A-levels; often to move on to uni.

(www.urbandictionary.com)

May ganun pa daw na level sa kanila eh noh?! Hehe :D

'Yang TV show na yan ang bagong kinakaadikan ko ngayon. Nagandahan kasi ako talaga sa istorya. Pag tungkol talaga sa kabataan, madaling nakukuha ang atensyon ko.

Natutuwa ako sa Skins kasi pinapakita talaga nila yung mga nangyayari sa mga kabataan ngayon. Humahanga talaga ko sa nakaisip at gumawa nito. Ang galing talaga! Kakaiba kasi.. Hindi mapapalabas dito sa Pilipinas yung mga ganitong uri ng programa. Sus ko! Sa malamang, katakot-takot na criticism ang matatanggap ng Skins. Hindi kasi tayo nasanay na mga Pilipino na ganun ang nakikita sa telebisyon.

All about sex, drugs, alcohol, homosexuality at kalokohan.

Isipin mo na lang ah, kakaiba talaga ang kabataan sa ibang bansa. Hindi masyadong big deal sa kanila ang
VIRGINITY! Parang wala lang sa kanila. Samantalang dito sa 'tin, napakahalaga nun! Yun bang ibibigay lang pag nakasal na, Yung mga ganun ba! Basta masyado nating pinapahalagahan yung bagay na 'yun.

May mga eksena din na may mga taong nakahubad. Basta! Panuorin nyo na lang! Ayaw ko na i-expand! Haha..

At saka sa dinami-dami ng napanuod ko, ito lang ang TV show na pag sinabing "I love you", "I know" ang isasagot at hindi "I love you, too."

At pag "I hate you" naman, ang isasagot eh "I hate you right back". Ganun na rin sa "Fuck you!", "Fuck you right back" naman ang sagot.. Hindi "Fuck you too!" HAHAHA..

Ano pa ba?! Grabe din sila mag-inom! Imagine, 17 years old pa lang sila ah tapos kung maka-laklak na ng alak, grabe lang.. Haha! Samantalang dito sa 'tin, strict pa ang parents ng ibang kabataan na ganyan ang taon.

Kung makakuha lang din sila ng drugs, parang ganun ganun lang. Yung sinasabi pala nilang MDMA (yun kasi yung mabenta sa Skins 3, laging ginagamit haha!) Ecstasy pala yun. Hehe.. Uso ba sa kanila ang drug test?! Hehe..

San ka pa, 18 years old above lang ang pwede manuod ng Skins, pero yung mga gumaganap dun, 17 years old lang. Parang ang gulo lang eh noh?! Haha..

Dun naman tayo sa homosexuality. Nagustuhan ko yung istorya nila Emily at Naomi dun! Sa 1st Generation kase, openly gay lang si Maxxie tapos may kissing scene lang sila ni Tony. Pero sa 2nd Generation, meron nang magkakaroon ng relasyon. Yun na nga, sina Emily at Naomi.

Sobrang open na ang utak ko about sa homosexuality. Wala na kasi tayong magagawa dun. Ako naman kasi, kung san masaya, dun ka! Alanga namang ipilt mo sa'yo yung mga bagay na ikalulungkot mo? Kalokohan yun di ba?

Madami kong nababasang mga chuva ek ek dito sa net. Isa na dito yung,
"Some people are gay, get over it!"
Hindi ko talaga maisip kung bakit hanggang ngayon, may mga diskriminasyon pa ring nangyayari.. Bakit, ikamamatay ba nila pag may taong gay?! (yess! pati ang mga babae considered as gay din.) Yayaman ba sila pag nan-didiscriminate sila? Hindi ko talaga alam. Ano bang mali sa kanila? Eh anong magagawa kung mali ang napasukang katawan ng mga espiritu?

May nabasa ko, eto yung sabi:
"The gay-people-are-not-accepte
d-in-this-world-cuz-god-only-created-male-and-female era is so 10 minutes ago." (porkandbeans.tumblr.com)

RESPECT! Uso 'yan ngayon! Maki-uso ka na.. Hindi mo mapipigilan ang pagrami ng mga ganyan ngayon.

Mahal tayo lahat ng Diyos!

Buksan nyo na mga isip nyo, natatawa na lang ako sa mga nag-rereact ng "Eeww", "Yuck!" o "Ay, ano ba naman yan?!" Naku! Sumakay na kayo ng jet at lumipat na sa ibang planeta! Kahit san kayo magpunta, may makikita kayong ganyan. Haha!

Isa pa pala yung pang-aabuso sa teacher. Dito sten, hindi natin nababastos ang teacher agad agad. Sa totoo lang, may pag-aalinlangan tayo pag gagawa tayo ng masama sa mga teacher. Pero dun sa kanila, easy easy na naman! Haha.. Ibang-iba talaga! :D

Medyo nakakahiligan ko na yung mga programa na may mga homosexual content. Tumikim naman kase ng ibang putahe. Boring na kasi minsan ang mga straight movies. Paulit-ulit lang ang nangyayari.

Hindi magkakilala si boy at girl tapos magkakabanggaan o may muntik nang masagasaan ni boy o girl tapos magkikita sa isang lugar, may naiwan na gamit siyempre hahanapin yung may-ario magkaibigab tapos na-fall yung isa.. mga ganun ba! nakakasawa na! haha..

That's it! Wala lang.. Hehe..


Skins 1st and 2nd Generation

No comments:

Post a Comment